^

Bansa

Bangsamoro huwag sanang matulad sa MOA-AD -Hataman

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa ang ilang kongresista mula sa Mindanao na hindi matutulad sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) ang kahihinatnan ng pag­likha ng Bangsamoro Region ngayong 16th Congress.

Ayon kay Anak Mindanao Partylist Rep. Sitti Djalia­ Turabin-Hataman malaki ang kanilang pag-asa sa Admi­nistrasyong Aquino na maaaprubahan ang Bang­samoro.

Matatandaan na noong panahon ni dating Pa­ ngulong Gloria Arroyo ay umani ng batikos mula sa publiko at sa ibang grupo ang MOA-AD kung saan sinasabing magkakaroon ng hiwalay na estado at kapangyarihan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at inilaban pa ito ng ilang mam­babatas at pulitiko sa Korte Suprema.

Sinabi ni Hataman na malaki naman ang kaibahan ng MOA-AD dahil ito ay nakasentro lamang sa ancestral domain habang ang Bangsamoro ay isang kasunduan kung saan titimbangin ang paghahati sa kapangyarihan, yaman at sakop na hindi mahihirapan ang Kongreso na ipasa dahil masinsinan ang pagsasapinal para sa ganap na kapayapaan.

Giit pa ng mambabatas na hindi naman na ka­ilangan ng Charter Change para maisakatuparan ang Bangsamoro Region dahil ang nais ng Pangulo ay isang kasunduan na alam nitong maipapasa ng Kongreso at kayang ibigay ng pamahalaan sa paraan na aayon din sa mga taga Mindanao.

ANAK MINDANAO PARTYLIST REP

ANCESTRAL DOMAIN

AUTONOMOUS REGION

BANGSAMORO REGION

CHARTER CHANGE

GLORIA ARROYO

KONGRESO

KORTE SUPREMA

MEMORANDUM OF AGREEMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with