5 BuCor officials sinibak

MANILA, Philippines - Sibak sa serbisyo ang limang mga opisyal at kawani ng Bureau of Corrections kaugnay ng paglalabas-masok nuong 2011 ni dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste sa New Bilibid Prisons. 

Kabilang sa mga sinibak sina dating NBP Prison Superintendents Armando Miranda at Ramon Reyes; da­ting officer in-charge ng Minimum Security Compound ng NBP na sina Prison Supts. Dante Cruz at Robert Rabo, at Prison Guard Fortunato Justo, custodian ni Leviste nuong madiskubre ang kanyang paglalabas-masok. 

Nuong Mayo 18, 2011, si Leviste na dapat sana ay nasa loob ng NBP Compound ay naaresto ng mga ope­ratiba ng NBI sa LPL Towers sa Makati. 

Ang nasabi ring insidente ang nagtulak nuon kay da­ting BuCor acting director Ernesto Diokno para magbitiw sa pwesto. Si Leviste ay pinatawan ng 6-12 taong pagkakabilanggo noong 2009 sa kasong homicide dahil sa pagpatay kay Rafael de las Alas noong 2007.

Show comments