JV, Jinggoy magtrabaho kayo -Erap

MANILA, Philippines - Mismong ang dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang nagpaalala sa kanyang dalawang anak na sina Sens. Jinggoy Estrada at JV Ejercito na magtrabaho dahil inihalal sila ng taumbayan.

Personal na nagtungo kahapon si Erap kasama ang asawang si Dra. Loi sa tanggapan ng kanyang anak na si Jinggoy sa Senado kung saan natuloy rin ang naunsiyaming  courtesy call ng kapatid nitong si JV.

Tumagal ng halos 30 minuto ang pribadong pag-uusap ng mag-aama saka sila humarap sa mga naghihintay na media. Sinabi din ni Erap na pinayuhan niya ang dalawa niyang anak na palaging isaalang-alang ang kapakanan ng mga mahihirap.

Sa gitna ng isyu na hindi magkasundo sina Jinggoy at JV, sinabi ni Estrada na nais niyang ipakita sa lahat na magkasundo sila at kapwa niya mahal ang mga ito.

Pinatunayan din ng magkapatid sa mga nais sumira sa kanila na “blood is thicker than water” matapos matuloy ang courtesy call ni JV.

 

Show comments