^

Bansa

Pamimigay ng pork barrel, itigil! - Obispo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinatitigil ni Catholic Bishops Conference of the Philippines at Manila Auxilliary Bishops Broderick Pabillo kay Pangulong Noynoy Aqunio ang pagbibigay ng pork barrel funds sa mga mambabatas hanggat hindi natatapos ang imbestigasyon sa P10-bilyong ghost project.

Ayon kay Pabillo, hindi muna dapat isama sa budget proposal sa Kongreso ang priority development assistance fund (PDAF) ng mga Senador na nagkakahalaga ng P200-milyon bawat isa at P70-milyon naman para sa mga Kongresista. Iginiit ng Obispo na ugat ng lantarang korapsiyon ang pork barrel funds kaya dapat itong ihinto ng Pangulo para maging seryoso at hindi biro lamang ang kanyang “daang matuwid”.

“Kaya nga ngayon lang nila nadiskubre hindi lang yan ghost project talagang source of corruption ang pork barrel kaya kung tatanggalin yan ay walang masyadong maghahangad na maging congressman o maging Senator. Sila ay gumagastos ng malaki dahil may pinagbabawian sila, dahil malaki ang pork barrel,” anang obispo. 

Sinabi ng Obispo na kung seryoso ang pamahalaan sa paglaban ng korapsiyon at maging tuwid ang “daang matuwid slogan” ng Pangulong Aquino ay tanggalin ang cause of corruption. Inihayag ni Bishop Pabillo na matagal na nilang sinasabi na ang mga Congressman at Senador ay tagagawa ng batas at hindi tagapagpatupad ng project na trabaho ng local government units.

AYON

BISHOP PABILLO

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

IGINIIT

MANILA AUXILLIARY BISHOPS BRODERICK PABILLO

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUNIO

SENADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with