MANILA, Philippines - Hindi masaya ang grupo ng mga manggagawa laluna ang militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) sa pahayag ng Metro Manila wage board na aaprubahan na nila ang taas sa sahod sa Agosto 8 ng taong ito.
Ito, ayon sa naturang grupo ay dahil hindi sila naniniwala na ang regional wage boards (RWBs) ng bansa ay tutupad sa pangakong ito bagkus ay maaaring makalimutan lamang.
Sa pahayag ni Elmer “Bong†Labog, KMU chairperson, ginagamit lamang ng pamahalaan ang mga pangako na wage increase upang makondisyon at maibsan ang tinding hirap ng mamamayan sa epekto ng pagtaas ng mga bilihin tulad ng petrolyo, bigas, tinapay at mga bayarin gaya ng SSS premiums, singil sa tubig at kuryente.
Anya, nais nila ang makabuluhang umento tulad ng P125 across-the-board wage hike nationwide para kahit paano ay maiibsan nito ang problema sa kahirapan ng maraming mamamayan.