^

Bansa

30 mangingisda missing sa West Philippine Sea

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nawawala ang 30 mangingisda mula Infanta, Pangasinan na lulan ng anim na bangka  matapos mamamalakaya sa bahagi ng West Philippine Sea.

Sa ulat ni Office of Civil Defense (OCD) Region 1 Director Melchito Castro, nitong Huwebes ay natanggap niya ang report hinggil sa pagkawala ng nasabing mangingisda na pumalaot bago pa man ang pananalasa ng bagyong Isang.

Nito pang nakalipas na linggo pumalaot ang mangingisda sakay ng 30 bangka pero magpahanggang ngayon ay hindi pa nakakabalik ng kanilang tahanan sa Brgy. Cato, Infanta.

Nagsasagawa na ng monitoring sa karagatan ng Northern Luzon ang Philippine Navy at Philippine Coast Guard upang hanapin ang mga nawawalang mangingisda at maibalik ang mga ito sa kanilang pamilya.

 

BRGY

CATO

DIRECTOR MELCHITO CASTRO

HUWEBES

ISANG

NORTHERN LUZON

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PHILIPPINE COAST GUARD

PHILIPPINE NAVY

WEST PHILIPPINE SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with