MANILA, Philippines - Pinalawig pa ng Korte Suprema ang status quo ante order (SQAO) laban sa Republic Act No. 10354 o ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 na mas kilala sa tawag na RH Law.
Sa 8-7 botohan ng mga mahistrado ay ipinatitigil muli ang implementasyon ng batas.
Ang kautusan ay inilabas isang araw bago ang nakatakdang pagtatapos ng 120-araw na SQAO.
Una na ring hindi natapos ang oral arguments sa 14 na petisyon kontra sa nasabing batas noong Hulyo 9.
Samantala, iginagalang naman ni dating Health Secretary EspeÂranza Cabral, isa sa mga nagsusulong ng RH, ang desisyon ng SC na mapalawig ang status quo ante order laban sa implementasyon ng nasabing batas.
Ayon kay Cabral, naÂuunawaan niya ang pasya ng mayorya sa mga maÂhistrado dahil iyon ay bahagi ng proseso.
Posible raw kasi na kaya pinalawig ang SQAO ay dahil hindi pa tapos ang oral argument.
Nakatakdang ituloy sa susunod na linggo ang oral argument tungkol sa RH Law.
Magkagayunman, umaÂasa si Cabral na sa huli ay makikita ng hukuman ang kagandahan ng tuluyang pag-iral ng batas at ito ay hindi naman luÂmalabag sa Konstitusyon.
Ayon naman kay Sen. Tito Sotto maliwanag na pinakinggan ng Diyos ang panalangin ng mga mananampalataya.
Isa si Sotto sa mahigpit na tumutol sa pagpasa ng RH Law ng dinggin ito sa Senado.
Taliwas sa reaksiyon ni Sotto, dismayado naman si Sen. Pia Cayetano sa pagpapalawig ng status quo ante order ng SC.
Pero inihayag din ni Cayetano na bilang isang abogada iginagalang niya ang desisyon ng isang co-equal branh ng gobyerno.
Naniniwala si Cayetano na walang dahilan para pigilin ang pagpapatupad ng RH Law
“As we debate this, ang mga kababaihan ang nagsasakripisyo, sila ang dinudugo, sila ang namamatay, sila ang nawawalan ng anak, sila ang nalalagay sa sitwasyon na nagpapa-abort sila,†ani Cayetano.
Isa si Cayetano sa nagÂsulong ng RH bill sa Senado kasama si Sen. Miriam Defensor-Santiago.