MANILA, Philippines - Isang motorcycle rider ang nasawi matapos na makasalpukan ang isang mini-dump truck sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Michael Nicdao, residente ng San Lorenzo Ruiz, San Juan, Taytay, RizalÂ, dahil sa pagkakapisak ng ulo nito.
Nasa kustodya naman na ngayon ng mga awtoridad ang driver ng Isuzu dump truck na nakilalang si Raul Escanillan, ng Villa CuaÂresma, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.
Naganap ang trahedya dakong alas-6:30 ng gabi sa Sandoval Avenue sa Brgy. Pinagbuhatan sa lungsod ang biktima ay lulan ng kanyang Kawasaki motorcycle (MC 4424-HY) at bumibiyahe sa lugar nang makasalpukan nito ang mini-dump truck.
Ayon sa ilang saksi, mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya’t hindi na nito nagawa pang iwasan ang dump truck.
Dahil sa tindi ng impact nang salpukan ay tumilapon pa umano ang biktima ng ilang metro mula sa pinangyarihan ng insidente na nagÂresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Ang driver ng mini-dump truck ay nahaharap na sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.