MANILA, Philippines - Labag sa 1987 Constitution ang panukalang paggamit ng letrang F o “Filipinas†sa halip na “Pilipinas†bilang opisyal na pangalan ng bansa.
Sa isang statement na galing sa mga professor ng University of the Philippines (UP) na nagsasaad na ang salitang Pilipinas ay matagal nang ginagamit, itinakda sa Konstitusyon na inaprubahan ng Constitutional Commission kaya walang legal na basehan para palitan ng salitang Filipinas.
“Legal documents, such as passports, seals, and bills, show the country’s official name as “Republika ng Pilipinas,†followed by the English translation “Republic of the Philippines.Thus, the country is referred to as “Pilipinas†in the 1987 Constitution, both in its title as well as throughout the document†sabi ng mga propesor sa UP.
Aniya, hangga’t hindi nababago ang pagtawag sa bansa bilang Republika ng Pilipinas, ito ang mananatili at kikilalaning opisyal na pangalan ng ating bayan.
Ang inilabas na pahayag ay pirmado nina UP Professors Dr. Rosario Torres-Yu, director ng Sentro ng Wikang Filipino; Dr. Teresita Maceda, chair ng Department of Filipino and Philippine Literature; Dr. Maria Bernadette Abrera, chair ng Department of History; Dr. Aldrin Lee, chair ng Department of Linguistics; Dr. Vina Paz, coordinator ng Larangan ng Wika; Dr. Ramon Guillermo, coordinator ng Larangan ng Araling Pilipino; Dr. Pamela Constantino, miyembro ng Commission on Higher Education Technical Committee on Filipino at Dr. Jovy Peregrino, dating direktor ng Sentro ng Wikang Filipino.
Ayon sa mga nasabing professor, bagaman sumasang-ayon sila na ipabilang ang letrang “F†sa Filipino alphabet ay hindi naman ito sapat na batayan para palitan ang “Pilipinas†ng “Filipinasâ€.