MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang North Cotabato alas-9:28 kahapon ng umaga.
Namataan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol sa may 80 kilometro silangan ng Carmen North Cotabato.
Bunsod nito, naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 5 sa Carmen, North Cotabato, Intensity 4 sa Kabacan at Matalam, North Cotabato, Intensity 3 sa Tagum City, Davao del Norte at Intensity 2 sa Kidapawan City; KoronaÂdal City, South Cotabato.
Ayon sa PHIVOLCS, inaasahan nila na may magaganap na aftershocks matapos ang lindol pero wala namang napaulat na nawasak sa lindol o kaya’y nasaktan sa mga residente.