^

Bansa

North Cotabato, niyanig ng 5.2 na lindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang North Cotabato alas-9:28 kahapon ng umaga.

Namataan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng lindol sa may  80 kilometro silangan ng  Carmen North Cotabato.

Bunsod nito, naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity 5 sa Carmen, North Cotabato, Intensity 4 sa  Kabacan at Matalam, North Cotabato, Intensity  3 sa  Tagum City, Davao del Norte at Intensity 2 sa  Kidapawan City; Korona­dal City, South Cotabato.

Ayon sa PHIVOLCS, inaasahan nila na may magaganap na aftershocks matapos ang lindol pero wala namang napaulat na nawasak sa lindol o kaya’y nasaktan sa mga residente.

 

AYON

BUNSOD

CARMEN NORTH COTABATO

DAVAO

KIDAPAWAN CITY

NORTH COTABATO

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

SOUTH COTABATO

TAGUM CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with