Seguridad sa testigo sa pork barrel scam tiniyak ng DOJ

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Justice Secretary Leila de Lima na bibigyan nila ng sapat na seguridad ang ‘pork barrel scam whistleblower’ na si Benhur Luy.

Ayon sa kalihim, dati na niyang nakausap si Luy sa pamamagitan ng abugado nito at inalok nuon ng proteksyon sa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) pero tumanggi ito.

Pero dahil sa pag-init ng isyu sa media, sinabi ng kalihim na muli niyang hihimukin si Luy na pumaloob sa WPP para matiyak ang kanyang kaligtasan.

Maging ang pamilya ni Luy ay isasama rin umano sa WPP Coverage dahil ang mga kapatid nito ay kasama rin umano sa mga pumepeke ng pirma at mga dokumento para makakubra ng pera mula sa pork barrel fund ng ilang mga mambabatas.

Si Luy ay dating empleyado ni Janet Lim Napoles ng JLN Corporation na itinuturong utak sa sampung bilyong pisong pork barrel scam.

 

Show comments