MANILA, Philippines - Binuhay muli ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez ang kanyang panukala na amyendahan ang KonsÂtitusyon partikular ang economic provisions at political reforms sa pamamagitan ng ConsÂtitutional Convention (Con-con).
Sa ilalim ng House Bill 1343 na inihain ni Rep. Rodriguez ang pagÂbubukas sa mga dayuhan sa exploration at paggamit ng likas na yaman gayundin ang investment sa lahat ng public utilities, educational institutions, mass media at advertiÂsing areasÂ.
Ang pagmamay-ari ng lupa naman ng mga dayuhan ay pahihintulutan kapag nakumpleto na ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa ilalim ng comprehensive agrarian reform program.
Partikular namang aamyendahan sa poliÂtical provisions ng KonsÂtitusyon na mula sa Presidential ay magiÂging Parliamentary na ang form of government ng bansa at mula sa Unitary system ng pamahalaan ay gagawin ng Federal System kung saan mahahati ang kapangyarihan ng National Government sa mga estado o local government.
Bukod dito mula sa bicameral kung saan magkatuwang ang Kongreso at Senado ay gaÂgawin na itong unicaÂmeral o iisa na lamang ang kapulungan para sa lehislayon.
Inaamyendahan din ng nasabing panukala ang termino ng mga miyembro sa Parliament government sa apat na taon at pagtatanggal ng term limits.
Naniniwala si Rodriguez na ang Con-Con ang pinakademokratiÂkong paraan at pinakatransparent na paraan ng pagbabago ng Saligang batas.
Matatandaan na naÂngako si House Speaker Sonny Belmonte at MaÂjority Floor Leader NepÂtali Gonzales II na hindi susuportahan ang anumang political reforms kundi ang econo mic provision lamang.