MANILA, Philippines - Hinamon ng Coalition of Filipino Consumers ang Water for All Refund Movement at ang Water for the People Network na ilantad kung sino ang nagbibigay ng pondo upang bakbakin ang pamunuan ng MWSS at dalawang water concessionaires.
Ayon kay Jayson Luna, convenor ng CFC, isa umanong uri ng panlilinlang sa kaisipan ng publiko ang akusahan ang Maynilad at Manila Water ng over-charging sa kanilang konsyumer ng walang sapat na basehan.
Iniladlad ng grupo ang isang resolusyong inilabas ng Quezon City prosecutors office na nagsasaad na walang nilabag na batas ang dalawang concessionaire laluna ang kasong estafa na isinampa ni WARM leader Rodolfo “RJ†Javellana Jr.
Ipinaliwanag ni Luna na binalak din nilang sumama noon sa aniya’y nagpapakilalang grupo para sa konsyumer subalit nang mabasa nila ang desisyong inilabas ni Prosecutor Donald Lee ay umatras na ang CFC.
Giniit din ni Luna na ilantad kung sino ang tinutukoy nilang hahalili sakaling itigil ng Maynilad at Manila Water ang pamamahala sa water resources sa Metro Manila.
Ayon sa Quezon City Prosecutor’s Office, walang naganap na overcharging sa water fees ng Maynilad.
Sa resolusyong nakabatay sa “Gloria L Dalida and Water for all Refund Movement vs. Victorico P. Vargas†(NPS no. XV-030-INV-12F-05465), pirmado ni Chief Prosecutor Donald Lee, walang malakas na ebidensya na nagpapatunay nang paglabag ng Maynilad sa batas, “much less, a crime of estafa.â€