MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagtanggi ni Pangulong Aquino sa Charter change (Chacha), inihain kahapon ni House Speaker Feliciano “SB†Belmonte Jr. ang isang resolusyon na nagÂlalayong amyendahan ang “Restrictive Economic Provisions†ng Konstitusyon.
Sa House Joint resolution no.1 ni Belmonte, partikular na nais nitong baguhin ang article II o ang kasunduan sa national territory, Article 12 na tungkol sa National Economy and patrimony at ang Article 16 na GeÂneral Provisions.
Ang naturang resoÂlusyon ay katulad ng dati na ring inihain ng Speaker noong 15th Congress suÂbalit nabinbin lamang ito sa Committee on Constitutional amendments.
Isinusulong ni Belmonte na ilagay ang mga katagang “Unless OtherÂwise Provided by Law†sa ilang probisyon ng naturang mga artikulo na may kinalaman sa ownership at exploitation ng lupa, natural resources at negosyo kabilang ang media at advertising.
Paliwanag pa nito na sa kasalukuyang requirement na ang mga ari-arian at negosyo ay dapat 60 porsiyentong pagmamay-ari ng mga Pilipino ay nakaka-discourage umano sa mga dayuhang investors kaya nagiging sagabal ito sa paglago ng ekonomiya.
Umaasa si Belmonte na magbabago pa rin ang desisyon ni Aquino at susuporta na rin ito sa Chacha upang patuloy na lumago ang ekonomiya ng bansa.
Ang nais na pag-amyenÂda ng Speaker ay sa pamamagitan ng Constitutional Assembly na nangangailangan ng 3/4 separate votes ng lahat na miyembro ng Kamara at Senado.