MANILA, Philippines - Nanawagan si dating Senadora JamÂby Madrigal sa mamamayan na makiisa sa paglaban sa baha sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa gobyerno.
Anya, kahit na maliit lang na bagay ang gawin ng isang mamamayan tulad ng tamang pagtatapon ng baÂsura ay malaÂking tulong na dahil sa hindi na magbabara ang mga basura sa estero at kanal.
Maging ang pangangalaga sa likas na yaman tulad ng hindi pagpuputol ng mga puno sa mga kabundukan ay isa nang malaÂking tulong sa gobyerno dahil wala nang magaganap na flashflood o pagguho ng lupa sa mga lalawigan.
Muling ipinaalala ni Madrigal sa naganap na baha sa Metro Manila kamakailan dulot ng malakas na ulan ay natuklasang nagbarang mga basura sa estero’t kanal.
Sinang-ayunan ni Madrigal ang obserbasyon ng Metro Manila Development Authority at Department of Public Works and Highways na ang kalimitang pagbaha ay dahil sa walang pakundangan pagtatapon ng mga basura ng mamamayan.