MANILA, Philippines - Itinaboy ng bagyong Gorio ang mga barko ng China na umaaligid sa Scarborough Shoal (PaÂnatag Shoal) sa Masinloc, Zambales.
Kinumpirma kahapon ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na nagsialis na ang mga barko ng China sa Scarborough.
“As far as the last air patrol that we conducted wala na dun yung barko sa Panatag Shoal I guess this is really what they do (China) during inclement weather,†ani Gazmin kaugnay ng pananalasa ng bagyong Gorio.
Base sa monitoring noong Hunyo 27 at 28 at nitong unang linggo ng Hulyo ay wala na ang naturang mga barko ng China na nagsasagawa ng intrusyon sa lugar.
Ang Scarborough Shoal, kilala rin bilang Bajo de Masinloc ay nasa 124 nautical miles ang layo sa Masinloc, Zambales na saklaw ng 200 Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Kabilang sa mga barko ng China na pumalibot sa lugar ang maritime at surveillance ships, at fisheries law enforcement ships na umaayuda sa mga mangingisdang Chinese kung saan ay itinataboy naman ang mga mangingisdang Pinoy na nagagawi sa lugar.
Simula ng maganap ang standoff sa pagitan ng China at Philippine Navy sa Scarborough Shoal noong Abril 2012 ay binakuran na ng una ang lugar.