MANILA, Philippines - Nasagip sa pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard (PCG), Sea-Based Anti Trafficking Task Force at PNP ang 123 hinihinalang biktima ng human trafficking sa magkahiwalay na pantalan sa Zamboanga City.
Ayon sa PCG, sakay ng M/V Ever Queen Emilia at M/V Lady Mary Joy ang 83 biktima patungong Tawi-Tawi. Tatlo rito ang babae, dalawang menor de edad at 78 lalaki na karamihan ay matatanda.
Nabatid na pinangakuan ng trabaho ang mga biktima na karamihan ay mula pa sa Cebu City at Bohol.
Samantala, isang cargo vessel na M/L Jumina rin ang naharang sa isang pribadong daungan sa BaÂrangay Baliwasan sakay naman ang 40 biktima.
Patungo ng Sabah ang mga biktima na mula sa Davao City, Pagadian at Zamboanga Sibugay.
Ang pagkakasagip sa mga biktima ay bunsod ng ulat na natanggap ng awtoridad kaugnay sa iligal na pagre-recruit ng mga manggagawa papuntang Tawi-tawi.
Wala namang nahuling suspek o recruiter sa insidente.