MANILA, Philippines - Legal umano ang ginawang pagkuha sa 21 mag-aaral ng University of the Philippines (UP) Diliman para sa Special Program for Employment of Students (SPES) ng MWSS noong nakaraang taon.
Ang pahayag ay ginawa ni Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems Administrator Gerardo Esquivel bilang tugon sa bagong graft charges na naÂisampa laban sa kanya ng MWSS Labor Association (MLA) sa tanggapan ng Ombudsman hinggil sa umano’y maanomalyang pagkuha at labis na pagpapasahod sa mga mag-aaral ng UP Diliman sa MWSS.
Itinanggi rin ni Esquivel ang bintang na binabayaran niya ng 75 percent rate ng daily minimum wage ang mga UP students sa halip na 60 percent lamang sa ilalim ng SPES.
Anya, ang hiring ng mga mag-aaral na ito ay naÂipaÂtupad niya bilang suporta sa short-term employÂment programs ng pamahalaan kabilang na ang SPES na layuning mabigyan ng short-term employment opporÂÂ tunities ang mga mahihirap pero deserving students gayundin ng Government Internship Program (GIP) na nagkakaloob ng serbisyo sa mga mag-aaral at young professionals upang magkaroon ng trabaho sa gobyerno.
Sinabi ni Esquivel na mistulang hindi nauunawaan at hindi pa nasisiyahan ang mga empleado ng MWSS na tumatanggap ng 32 months sa kanilang bonuses mula 2008 hanggang 2010 bago siya maitalaga ni Pangulong Aquino sa ahensiya noong February 2011.
Taong 2012, tinanggal ng MWSS ang Cost of Living Allowance and Amelioration Allowance (COLA/AA) na may 50 percent na halaga ng basic pay ng mga empleado nang madiskubre ng Board of Trustees na walang legal basis para ituloy ang pagkakaloob nito.
Sa ngayon ang bonuses ng MWSS employees ay limitado lamang sa 13th month pay, cash gift na P5,000 at iba pang performance based bonuses.