Footbridges ng MMDA isasapribado
MANILA, Philippines - Inumpisahan na ring isapribado maging mga footbridges ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)upang magbigay ng higit na serbisyo at seguridad umano sa publiko.
Inilunsad kahapon ng MMDA ang kanilang “Adopt-A-Footbridge program†sa ilalim ng “Public-Private Partnership†ng ahensya kasama ang AMSI Builders and Illuminate Dynamic Media, Inc. (IDMI) sa inagurasyon kaÂhapon sa C-5 Libis, Eastwood sa Quezon City.
Sa ilalim ng kasunduan, pagagandahin ng IDMI ang ilang piling footbridges sa Metro Manila, lalagyan ng bubong, palikuran at mga halaman. Maglalagay rin umano ng security guard laban sa mga kriminal at mga illegal vendors.
Sasagutin ng pribadong kumpanya ang gasÂtusin sa pagdebelop ng footbridge at walang sasagutin ang pamahaÂlaan. Upang kumita naÂman ang pribadong kumÂpanya, maÂaaring tumanggap ang mga ito ng “advertisement†sa ibabang bahagi ng mga footbridges.
Sa napagkasunduan sa pagitan ng IDMI, magkakabit ito ng “trellis and polycarbonate covered walkway†para panangga sa ulan at init at mga haÂlaman para panlaban naman sa polusyon.
Magkakabit rin ng sapat na mga ilaw at closed circuit television (CCTV) cameras upang makatulong sa MMDA at pulisya sa paglaban sa krimen.
Layon rin ng MMDA na matigil na ang laganap na pamumugad ng mga illegal vendors na nagkakabit pa ng mga tent sa ibabaw ng mga footbridges na mistulang hindi masawata ng kanilang mga tauhan kahit na lantaran na ito sa kanilang mga mata.
- Latest