MANILA, Philippines - Binitay na kahapon ang Pinay na nahuling nagpupuslit ng kilu-kilong heroin sa China.
Sa isinagawang press briefing sa DFA ng alas-4:20 ng hapon, kinumpirma ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na natuloy na ang execution sa 35-anyos na Pinay kahapon ng umaga sa Zhe Jian detention facility sa Hangzhou, China.
Ayon kay Hernandez, inaayos na ng Philippine Consulate General sa Shanghai sa pakikipag-ugnayan sa Chinese authorities ang agarang repatriation sa mga labi ng Pinay.
Inatasan ng DFA ang Phl Consul General na asistehan ang ina ng Pinay na kasalukuyang nasa China hinggil sa kahilingan nito na ma-cremate ang labi ng kanyang anak bago nito maiuwi sa Pilipinas.
Tumanggi si Hernandez na pangalanan ang Pinay at magbigay ng iba pang detalye hinggil sa nasabing pagbitay dahil sa kahilingan na privacy ng pamilya.
Gayunman, sinabi ni Hernandez na bagaman nirerespeto niya ang hiÂling ng pamilya ay hindi umano nila ito puwedeng itago sa publiko.
Matatandaan na inaÂresto at kinasuhan ng drug trafficking ang nasabing Pinay kasama ang kanyang pinsan nang mahulihan ng mahigit 12 kilong heroin sa kani-kanilang bagahe sa isang paliparan malapit sa Shanghai noong Enero 2011.
Nakumpiska sa Pinay ang may 6.198 kilo ng high grade heroin habang mahigit anim na kilo din sa kanyang pinsang lalaki. Sila ay kapwa hinatulan ng bitay noong 2012 suÂbalit ang kanyang pinsan ay nakakuha ng 2-taong reprieve.
Ika-lima na ang nasabing Pinay sa mga Filipino na binitay sa China dahil sa drug smuggling. Una ay sina Ramon Credo,42; Sally Ordinario-Villanueva, 32 at Elizabeth Batain, 38 na sabay-sabay na in-execute noong Marso 30, 2011 at noong Disyembre 8, 2011 ay isang 35-anyos na Pinoy din ang nabitay dahil sa pagdadala ng 1.495 kilong heroin sa nasabing bansa.
Samantala, nagpaabot na ng pakikiramay si PaÂngulong Aquino sa pamilÂya ng binitay na Pinay drug mule.
Hiniling din ng Malacañang sa taumbayan na huwag silang magpapaÂlinlang sa mga humihimok sa kanila na maging drug mule kapalit ng malaking halaga dahil baka mangaÂhulugan ito ng kanilang buhay tulad ng nangyari sa huling Pinay na nahulihan ng droga ng pumasok sa Shanghai, China bilang turista at nagsilbing drug mule. (Dagdag ulat ni Rudy Andal)