CGMA, nanumpa sa Veterans Hospital

MANILA, Philippines - Nakapanumpa na ang dating Pangulong Gloria Arroyo para sa kanyang ikalawang termino bilang representative ng 2nd District ng Pampangga sa  loob ng kanyang silid sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa QC.

Ayon kay Ma. Elena Bautista – Horn, chief of staff ni CGMA, ang panunumpa ni Mrs. Arroyo ay isinagawa sa harap ni Atty. Galileo Angeles sa presidential suite ng naturang ospital.

Ayon kay Horn, kabilang sa mga sumaksi sa panunumpa ni CGMA sina dating First Gentleman Mike Arroyo, anak na si dating ‘Ang Galing’ Rep. Mikey Arroyo, at ilang mga tagasuporta at kababayan nito.

 

Show comments