MANILA, Philippines - Nakiusap ang Malacañang sa taumbayan na magdasal upang hindi matuloy ang pagbitay sa Pinay na nahulihan ng droga sa China.
Ito’y matapos hindi bigyan ng clearance ng Chinese government si Vice-President Jejomar Binay para makapunta sa China at iapela sana ang sentensiyang kamatayan sa Pinay drug mule.
Ayon kay Binay, nitong Sabado ay nakatanggap siya ng abiso mula sa Chinese Ministry of Foreign Affairs na tinanggihan ng China ang kahilingan ng pamahalaan na magtungo si Binay sa China kahapon sa layuning makiusap sa mga opisyales ng China’s Supreme People’s Court at personal na ibigay ang “letter of appeal†ni Pangulong Aquino kay Chinese President Xi Jinping.
Sa sinusunod na protocol, kailangang pumaÂyag muna ang Chinese government sa anumang kahilingang pagbisita ng isang mataas na opisyal mula Pilipinas bago tuluÂyang tumulak at bumisita sa nasabing bansa.
Inatasan ng Pangulo si Binay na tumungo sa China at ihatid ang kanyang liham kay President Jinping para mapababa ang sentensya ng Pinay sa “life imprisonment†mula sa parusang kamatayan.
Dahil dito, malaki ang paniwala ng mga opisyal sa Department of Foreign Affairs (DFA) na matutuloy ang pagbitay sa Pinay ngayong Lunes o Martes.
Sa tala ng DFA, ang nasabing Pinay drug mule ay maka-18 ulit nang nagpabalik-balik sa China kung saan pinakahuli ay naaresto siya ng Chinese authorities noong 2011 nang tangkain niyang ipuslit ang may 6.1 kilong heroin sa kanyang bagahe habang papasok sa international airport ng China kasama ang isa pang Pinoy na lalaki na ginawaran din ng death penalty na may 2-taong reprieve ng nakalipas na taon.