Kabataan pinag-iimpok
MANILA, Philippines - Hinihikayat ng Department of Education (DepEd) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga kabataan sa bansa na mag-impok.
Ayon kina DepEd Sec. Armin Luistro at BSP Gov. Amando Tetangco Jr., ang pag-iimpok ay napakahalaga para sa mga kabataan na magsisilbing tulay sa kanilang magiging tagumpay sa buhay.
Ang paghihikayat ni Luistro at Tetangco ay kanilang ginawa bunsod ng selebrasyon ng National Saving Consciousness Week mula ngayong araw na ito, June 30 hanggang sa July 6, 2013.
Ani Luistro, dapat ay bigyan ng halaga ng mga kabataan ang pag-iimpok ng kahit na magkanong barya mula sa kanilang pang-araw-araw na baon na kapag ito ay palagian ng ginagawa ay tiyak na lalaki ang nasabing barya na magsisilbing pambili ng kanilang pangangailangan.
Sa panig naman ni Tetangco, dapat ay ideposito sa bangko ang mga naiipong barya ng mga kabataan na bukod sa safe na ay nagkakaroon pa ng tubo o interest.
Nagpapasalamat din ang DepEd at BSP sa mga kabataang estudyante dahil sa pagiging matagumpay ng kanilang unang inilunsad na programa na “Tulong Barya Para sa Eskwela†kung saan ay nakakalikom na ng P15-milyon na gagamitin upang makapagpatayo ng dagdag na paaralan sa bansa.
- Latest