MANILA, Philippines - Sinupalpal kahapon ng Malacañang ang mga kumokontra sa pagpapatigil ng mandatory drug testing kahit pa sinasabing tataas ang bilang ng mga adik na driver.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, mas mahigpit ngayon ang ipinasang Anti-Drunk and Drugged Driving Act dahil maaring ilang beses na isailalim sa drug test ang mga maÂpaghihinalaan na naka-droga o lasing habang nagmamaneho lalo na yong mga masasangkot sa aksidente.
Ipinahiwatig pa ni Valte na marami pa rin namang adik na nabibigyan ng lisensiya kahit pa sumailalim sila sa drug test tuwing kumukuha o magre-renew ng lisensiya dahil maaring mamanipula ang resulta nito. ‘Predictable’ o alam umano ng isang kukuha ng lisensiya kung kailan siya dapat mag-renew kaya puwede itong gumawa ng paraan para hindi magpositibo sa paggamit ng illegal substance.
Dahil sa bagong batas maari na umanong isaiÂlalim sa drug test ang mga drivers na makikitaan ng senyales na nakagamit ito ng ilegal na droga o kaya naman ay nagmamaneho ng lasing.
Naniniwala si Sen. Tito Sotto na hindi naging epekÂtibo ang mandatory drug test tuwing kumukuha o nagre-renew ng lisensiya dahil lumabas na sa napakahabang panahon na ipinatupad ang batas halos 0.06 porsiyento lamang ang nag-positibo.
Sinabi rin ni Goerge San Mateo, pangulo ng Piston, naging napakalaÂking dagdag-gastusin lang ito sa mga PUV drivers at karaniwang motorista simula nang ipatupad ito noong 2002 bilang bahagi ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Sinabi ni San Mateo na noon pa man ay nagbabala na sila na magiging money-making at milking cow lamang ng gobyerno ang pagsasagawa ng drug testing ng mga private drug testing centers na nagpapataw ng malaking singil na karaniwan ay nasa P350 samantalang sa mga government hospitals ang karaniwang drug tesÂting ay nasa P50 lamang. (Malou Escudero/Angie dela Cruz)