Ulat panahon
MANILA, Philippines - Ang Kabisayaan at Mindanao ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog. Ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng Luzon ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa Hilaga at Gitnang Luzon at mula naman sa hilagang-silangan hanggang hilagang-kanluran sa nalalabing bahagi ng bansa. Ang baybaying dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.
Ang araw ay sisikat dakong 5:30 ng umaga at lulubog bandang 6:28 ng gabi.
- Latest