MANILA, Philippines - Wala umanong sinseridad sa pakikipag-usap ang gobyerno ng Estados Unidos sa pa ngakong magbabayad ng danyos sa Tubbataha Management makaraang mapinsala ito sa pagsadsad ng kanilang US warship may limang buwan na ang nakalipas.
Ayon kay Angelique Songco, hepe ng Tubbataha Management Office, mahigit 5 buwan na umano ang nakaraan nang sumadsad sa Tubbataha Reef ang US Warship at halos tatlong buwan makaraang ito ay maialis sa bahura ay hindi pa rin nagbabayad ng kaukulang multa ang gobyerno ng Amerika.
Nasa 1.4 milyong dolÂyar na katumbas ng P58 milÂyon ang halaga ng multa na kailangang bayaran ng Amerika para sa mahiÂgit dalawang libong metriÂko kwadrado ng coral reef na nasira dahil sa pagsadÂsad ng USS Guardian.
Dahil dito, tahasang inakusahan ni Songco ang gobyerno ng Amerika ng “double talk†o hindi pagiging sinsero kaugnay ng pananagutan nito sa insidente.
Naghihinakit si Songco dahil hindi raw makatwiran na ang Pilipinas pa ang pahirapan ng Ame rika sa pagkuha ng kaÂbaÂyaran para sa multa gayong sila ang nakaperwisyo at nakapinsala sa ating likas yaman.
Para kay Songco, hindi patas para sa Pilipinas na sumailalim pa sa mabusising claims process na tinututukan ngayon ng Department of Foreign Affairs dahil tayo umano ang nasa posisyon para magdemand ng kabaÂyaran.
Sinabi rin ni Songco na kung makapagbabaÂyad na ang Amerika, maÂlaki sana ang maitutulong nito hindi lamang sa recovery ng mga nasirang coral reefs kundi sa pagmamantina ng kabuuan ng Tubbataha Reef.