MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Sandiganbayan ang petisyon ng tanggapan ng Ombudsman na bawiin ang yaman ni dating AFP Chief of Staff Gen. Lisandro Abadia at kanyang asawa.
Sa 35-pahinang desisyon, binigyang diin ng graft court na ang pagbawi sa kuwestyonableng yaman ng mag-asawang Abadia na may halagang P11.26 milyon ay pabor sa taumbayan.
Sa desisyon ng Sandiganbayan, nakasaad dito na napatunayan ng graft court na ang statements of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Abadia ay biglaang tumaas mula P3.77 million noong 1991 ay naging P6.476 million noong 1992 hanggang sa maÂging P13.61 million noong 1993 na biglaang lumaki at hindi ito kikitain kung ibabase sa suweldo lamang ng isang opisyal ng AFP.
Si Abadia ay nagsimula sa kanyang military service noong 1958 at nagretiro noong 1994.