Mataas na multa sa oil spill
MANILA, Philippines - Pag-aaralan na ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang pagpapataw ng mas mataas na multa sa Larraine and Marketing o L& M Oil Depot, ang kumpanÂyang responsable sa oil spill sa Pasig River nuong Sabado ng gabi.
Ito ang sinabi ni Presidential Adviser on Environment Concerns at LLDA General Manager Nereus Acosta na may hurisdiksyon sa mga pasilidad na nakatayo sa paligid ng Ilog Pasig.
Ang minimum na peÂnalty umano na maaring ipataw ng LLDA bunsod ng nasabing paglabag ay P10,000 kada araw, pero ayon kay Secretary Acosta, nagpadala na sila ng grupo para sumuri ng lawak ng naging pinsala ng oil spill na nakumpirmang galing sa pasilidad ng L & M.
Ipinaliwanag ni Sec. Acosta na sa naganap na oil spill, malinaw na sumobra sa maximum na waste water discharge ang nasabing kumpanya.
Posible silang magpalabas ng cease and desist order laban sa L & M kung saan iuutos nila ang pagpapasara sa mga tubo nito na daluyan ng waste water patungo sa Pasig River, pero hihintayin na raw muna nila na matapos ang ginagawang assesment ng kanilang tanggapan na pagbabatayan ng nasabing kautusan.
- Latest