^

Bansa

Anim na lugar sa bansa nilindol

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sunod-sunod na niyanig ng lindol ang anim na lugar sa bansa kahapon ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute  of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naitala ang lindol ganap na alas-12:49 ng madaling araw kahapon  na may lakas na 4.9 magnitude  at ito ay naitala sa may 4 kilometro hilagang silangan ng Baguio City.

Sinundan naman ito ng lindol na may lakas na 2.4 magnitude ganap na ala-1:42 ng madaling araw kahapon sa may 13 kilometro timog silangan ng Prieto Diaz.

Ganap na alas-6:58 ng umaga kahapon ay naitala ang 3.1 magnitude na lindol sa may 8 kilometro hilagang silangan ng Carmen North Cotabato at  pagsapit ng alas-8:50 kahapon ng umaga ay naitala naman ang 3.5 magnitude na lindol sa may 60 kilometro hilagang silangan ng Tandag Surigao del Sur.

Dakong alas-9:12 kahapon ng umaga ay naitala naman ang 3.0 magnitude na lindol  sa may 5 kilometro timog kanluran ng La Trinidad Benguet.

Ganap na alas-10:06 naman kahapon ng umaga ay naitala ang 3.3 magnitude na lindol sa may 21 kilometro timog silangan ng Manay Davao Oriental.

Bagamat sunod-sunod  na naitala ang pagyanig sa bansa, sinabi naman ng PHIVOLCS na wala namang napinsala sa naturang mga paglindol.

 

vuukle comment

BAGUIO CITY

CARMEN NORTH COTABATO

GANAP

KAHAPON

LA TRINIDAD BENGUET

LINDOL

MANAY DAVAO ORIENTAL

NAITALA

PHILIPPINE INSTITUTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with