MANILA, Philippines - Hindi nanghinayang si Pangulong Aquino sa biglang pag-alis ni PAGASA chief Nathaniel Servando na mas piniling magturo na lamang sa isang kolehiyo sa Qatar.
Sinabi ng Pangulo sa ambush interview, hindi niya itinuturing na mayroong ‘exodus’ sa PAGÂASA dahil sa ilalim ng kanyang administrasyon ay 3 lamang ang nawala sa weather bureau kung saan ang isa ay siya mismo ang sumibak.
Ipinagmalaki pa ng Pangulo na mayroong 37 bagong meteorologists ang Department of Science and Techonology (DOST) na sinasanay ngayon sa Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration upang maÂÂging ganap na weather forecaster specialists.
Idinagdag pa ni PNoy, sa kabuuang 5 umalis sa PagAsa simula noong 2000 ay mayroon na silang 37 bagong kapalit na sumasailalim ngayon sa pagsasanay.
Samantala, upang higit na makapagbigay ng napapanahong impormasyon ng mga kalamidad na pumapasok sa bansa, gagastos ang PagAsa ng P800-milyon para ipambili ng mga bagong kagamitan ng ahensiya.
Ayon kay PagAsa AdÂministrator Dr. Vicente MaÂlano, partikular na gaÂgastusan ang 5 mobile Radar na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng P35 milyon.
Bibili rin ng mga CCTV na planong ilagay sa mga coastal areas, gayundin sa mga tinatawag na Telemeters na mag-momonitor ng level ng tubig sa mga malalaking ilog sa bansa at 600 rain gauges na gagamitin sa pagmoÂnitor sa dami ng dalang ulan ng bagyo.