Drilon hindi pa tiyak sa Senate Presidency

MANILA, Philippines - Hindi pa rin tiyak si Senator Franklin Drilon na siya na ang susunod na Senate President.

Ito ang sinabi kahapon ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahit pa ipinagmalaki na ni Drilon na nagkasundo na ang Liberal Party at ang Nacionalista­ Party (NP) na maglagay ng iisang pan­laban para maging susunod na Senate President.

Isa si Marcos sa limang senador na miyembro ng NP sa Mataas na Kapulungan.

“Today is the 20th, the SONA is on the 22nd of next month, so we have more than a month. So hindi­ pa nakataga sa bato kung anong mangyayari sa 22nd. Marami pang usapan, there are negotiations, discussions at every level, at the party level, party to party, individual level, senators to other senators,” sabi ni Marcos.

Bagaman at si Drilon umano ang lumalabas na “frontrunner” sa Senate Presidency marami pa ring maaring mangyari lalo pa’t halos lahat ay may kanya-kanyang plano sa pagpasok ng 16th Congress sa Hulyo­ 22. Mali aniya na kategoryang sabihin na si Drilon na ang susunod na lider ng Senado dahil sa tuwing nagkakaroon ng usapan ay nagkakaron din ng pagbabago sa mga desisyon ng senador.

 

Show comments