^

Bansa

Kawalang disiplina isinisi sa pagbaha

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinisi ng gobyernong Aquino si Juan dela Cruz na sanhi ng matinding pagbaha kamakailan sa Metro Manila.

Sinabi ni Secretary to the Cabinet Rene Almendras, kahit paulit-ulit na linisin ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga kanal at estero ay tambak pa rin ng basura ang mga waterways dahil na rin sa walang disiplinang Filipino.

Sabi ni Almendras, ilang ulit nang nilinis ng MMDA ang mga estero at kanal bago pa man ang pagbuhos ng mga pag-ulan subalit nang balikan nila ito matapos ang pag-ulan ay trak-trak muli ng basura ang kanilang nahakot.

“Dapat ay magtulungan ang gobyerno at taumbayan upang malutas ang pagbaha dahil hindi naman kaya ito ng gobyerno lamang. Dapat ay huwag nang magtapon ng basura sa mga estero at kanal na nagiging sanhi ng pagbara ng mga waterways,” wika ni Almendras.

Tiniyak naman ni Almendras na gumagawa ng paraan ang gobyernong Aquino upang malutas ang pagbaha kung saan ay pinulong nito ang mga concerned government agencies at stakeholders kahapon sa Malacañang.

Aniya, hindi na dapat magsisihan sa pagbaha dahil mas mainam na magtulungan lahat ng sektor upang maresolba ito.

Idinagdag pa ni Almendras, hindi rin dapat sisihin ang Diyos sa ibinigay nitong pag-ulan kaya bumaha sa Metro Manila nitong nakaraang mga araw.

Magugunita na nagsisihan ang MMDA at DPWH sa naging sanhi ng malawakang pagbaha sa Metro Manila.

Sinisi ng MMDA ang DPWH dahil sa mga hindi pa natatapos na drainage project habang sinisi naman ng DPWH ang MMDA dahil sa delay sa pagbibigay ng permit sa kanila.

ALMENDRAS

ANIYA

AQUINO

CABINET RENE ALMENDRAS

DAPAT

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SINISI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with