^

Bansa

Minority block sa Kamara hindi magiging pabigat kay PNoy

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Siniguro ng minorya sa Kamara na hindi magiging pabigat at problema ni Pangulong Noynoy Aquino ang susunod na oposisyon sa pagbubukas ng 16th Congress.

Ayon kay  outgoing Minority Leader Danilo Suarez, magsisilbing constructive  observers at hindi kritiko ng pangulo ang susunod na minority bloc sa mababang kapulungan.

Giit pa ng mambabatas, maituturing na isang mapagkakatiwalaan kaibigan at kaalyado ang presidente para manatili itong popular sa nakalipas na tatlong taon sa kanyang puwesto.

Paliwanag pa ni Suarez, na nakopo ni Aquino ang publiko bunsod ng kanyang sinseridad at patunay dito ang pananatili ng mataas na rating nito kaya marapat  lamang umano na kilalanin ito ng lahat ng miyembro ng Kamara kabilang na ang minorya.

Bukod dito pinatutunayan din umano ng Pangulo kay Suarez ang pagiging magkaibigan nila kaya patuloy siyang makikilahok sa mga gawain sa Kamara sa oras na may mailuklok  na bagong minority leader sa pagpasok ng 16th Congress.

 

AQUINO

AYON

BUKOD

GIIT

KAMARA

MINORITY LEADER DANILO SUAREZ

PALIWANAG

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SUAREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with