MANILA, Philippines - Naniniwala ang Department of Health (DOH) na malaki ang maitutulong ng ‘4 o’clock habit’ upang labanan ang dengue.
Ayon kay Health SeÂcÂÂreÂtary Enrique Ona, ang pagsasagawa ng ‘4 o’clock habit’ ay kasabay ng pagdiriwang ng ikatlong taong anibersaryo ng Asean Dengue Day ngayon.
Sinabi ni Ona, inaasaÂhan pang lalong darami ang dengue cases sa banÂsa dahil sa pagsapit ng panahon ng tag-ulan. Aniya, mas magiging epektibo ang ‘4 o’clock habit’ kung gagamitan ng “stop, look and listen†approach.
Paliwang ni Ona, kinakailangan munang tukuyin ang high-risk areas sa isang lokalidad, mag-organisa ng mga grupo na magsasagawa ng critical response activities at bumuo ng sistema ng komunikasyon para sa mas maayos na koordinasyon.
Pagsapit aniya ng alas-4:00 ng hapon, ang mga itinalagang grupo naman ang maghahanap ng breeding sites ng mga dengue-carrying mosquitoes at magpapatupad ng systematic na “search and destroy activities†upang tuluyang patayin ang mga lamok.
Maaari aniya itong gawin araw-araw o lingguhan, batay sa resources at kapasidad ng isang lokalidad.
Iginiit din ni Ona na ang laban kontra dengue ay maaaring mapanalunan kung magiging responsable at magtutulong-tulong lamang ang lahat.
Batay sa ulat ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), mula Enero 1 hanggang Hunyo 8, 2013 ay nakapagtala na sila ng 42,207 dengue cases, kung saan 193 dito ang kumpirmadong nasawi.