Trike driver naka-jackpot sa lotto

MANILA, Philippines - Isang mapalad na tricycle driver ang bagong miyembro ng Millionaires Club ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos nitong kunin ang parte ng kanyang premyo sa nakaraang June 6 6/42 lotto draw.

Ang masuwerteng lotto winner ay mula sa Marikina City at nagsimulang tumaya sa lotto noong 1995.

Tinamaan niya ang lotto combination na 22-13-05-19-25-10 na may kabuuang premyo na P39,462, 944.00

Kinuha ng 43-anyos na driver ang kanyang parte na nagkakahalaga ng P19,731,492.00 kay PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II. Ang kalahati ng nasabing premyo ay nakubra na rin ng tumama mula sa Camarines Sur.

Plano niyang bumili ng house and lot, mag-invest sa transportation business at mamahagi ng kanyang blessings sa kanyang mga kapatid at kaanak.

 

Show comments