^

Bansa

Mga pagbaha masusundan pa

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatitiyak si Senator Loren Legarda na mauulit ang nangyaring pagbaha kamakalawa sa maraming lugar sa Metro Manila kaya nanawagan siya sa gobyerno at mga mamamayan na laging maghanda lalo pa’t nagsisimula pa lamang ang rainy season.

Ayon kay Legarda, maraming ulan pa ang dadalhin sa bansa ng tinatawag na “southwest monsoon” kaya dapat maging vigilante ang lahat at gawin ang kinakaila­ngang pag-iingat.

Dahil mas maraming ulan umano ang nararanasan ngayon ng bansa, dapat maging alerto sa biglang pagbaha hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa ibang lugar sa bansa.

Hindi rin maaring basta na lamang masanay ang mga mamamayan sa baha dahil maaari namang gumawa ng paraan.

Napaulat na mas tumindi ang naranasang pagbaha sa Metro Manila kamakalawa dahil na rin sa tambak ng basura at baradong mga kanal.

Sabi pa ni Legarda, hindi dapat iasa na lamang sa gobyerno ang paglilinis ng basura at dapat tumulong din ang mga mamamayan.

 

AYON

DAHIL

DAPAT

LEGARDA

METRO MANILA

NAKATITIYAK

NAPAULAT

SABI

SENATOR LOREN LEGARDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with