MANILA, Philippines - Aabutin ng hanggang weekend (Sabado-Linggo) ang mga pag-uulan na kasalukuyang nararanasan ng Metro Manila Kasama na ang western Luzon at Visayas.
Ito ang sinabi ni Cris Perez, weather foreÂcasÂter ng Philippine AtÂmospheric, Geophysical and Astronomical SerÂvices Administration kaugnay ng nararanaÂsang pag-uulan kahapon sa naturang mga lugar.
Sinabi ni Perez na patuloy na nananalasa ang habagat kaya ang naturang mga lugar ay patuloy na makakaranas ng mga pag-uulan hanggang weekend laÂluna sa bandang hapon o gabi.
Anya, pinag iibayo din ng isang low pressure area na nasa west Philippine sea ang haÂbagat kaya patuloy ang malakas na pag-ulan sa Metro Manila at mga lugar sa Luzon at Visayas.
Kaugnay nito, pinaÂpayuhan ni Perez ang publiko na tignan ang facebook account at twitter account ng PAGASA upang malaman ang paÂlagiang update sa paÂnahon sa bansa at upang maging handa sa anumang sakuna.
Ngayong linggong ito anya ay wala namang namamataan ang PAGASA na maaaring pumasok sa bansa dahil ang namataang LPA ay hindi na anya papasok pa ng area of responsibility at ito ay malulusaw na lamang anumang araw mula ngayon.