5 nanalong Team PNoy senators nanumpa sa Pangulo

MANILA, Philippines - Nanumpa kahapon kay Pangulong Benigno Aquino III ang limang nanalong kandidatong senador ng Team PNoy sa isang simpleng sere­monya sa Malacañang.

Ang mga nanumpa kay Pangulong Aquino ay sina re-electionist Sen. Loren Legarda, Chiz Escudero, Koko Pimentel, Senator-elect Grace Poe at Senator-elect Sonny Angara.

Hindi pa naman na­nunumpa ang apat pang nanalong senador na sina Sen. Antonio Trillanes IV, Senator-elect Bam Aquino, Sen. Alan Peter Ca­yetano at Senator-elect Cynthia Villar.

Naniniwala naman si Pangulong Aquino na magiging katuwang ng kanyang administrasyon ang mga kaalyadong senador upang maisulong at maipasa ang mga mahahalagang batas partikular sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Inaasahan na si Sen. Franklin Drilon na nagsilbing campaign ma­nager ng Team PNoy noong 2013 elections ang magiging kapalit ng nagbitiw na si Senate President Juan Ponce Enrile sa pagbubukas ng 16th Congress sa susunod na buwan.

 

Show comments