^

Bansa

Drilon, Independence Day Message... Magtiwala sa Diyos at sa sarili

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagdiriwang ng ika-115 taong ani­bersaryo ng Independence Day, hinikayat kahapon ni Senator Franklin M. Drilon ang mga Pilipino na pata­tagin ang kanilang pananalig sa Diyos, sa pamahalaan, at sa sarili.

 Naging guest speaker si Drilon sa ginawang pagdiriwang sa Dambanang Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

 Ayon kay Drilon na napapaulat na susunod na Se­nate President, dapat magkaisa ang lahat para makamit ang inaasam na pag-unlad ng bansa.

 â€œMga kababayan, kailangang ipagpatuloy natin ang pananampalataya sa Diyos, pagtitiwala sa ating pamahalaan at sa ating mga sarili. Kailangang magkaisa tayo upang makamit natin ang ating pangarap na isang maunlad at payapang bansa,” ani Drilon.

 Naniniwala rin si Drilon na ang resulta ng nakaraang halalan ay pagpapakita ng pagnanais ng taumbayan na patuloy na tahakin ang “daang matuwid”.

  “Nagsalita na ang ating mga mamamayan.  Pagod na sila sa uri ng pamamahalang itinutulak lamang ang pansariling interes at ambisyon. Nais nila ng makatotohanan at makabuluhang pagbabago,” sabi ni Drilon.

 Binigyang diin pa niya na ang mga repormang ipinatupad ni Pangulong Aquino ay unti-unti nang nararamdaman ng mga Pilipino lalo na ng mga mahihirap.

DAMBANANG EMILIO AGUINALDO

DIYOS

DRILON

INDEPENDENCE DAY

PANGULONG AQUINO

PILIPINO

SENATOR FRANKLIN M

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with