MANILA, Philippines - Inanunsiyo kahapon ng Bureau of Internal ReÂvenue (BIR) na puwede pang gamitin ng mga negosyante ang mga lumang resibo hanggang Agosto 30 para bigyan ng sapat na panahon ang mga ito at mapaghandaan ng husto ang makapagpa-imprenta ng mga bagong resibo.
Ang pagpapalit ng resibo ng BIR ay minabuting maipatupad ng ahensiya upang maibsan ang paggamit ng ilang tiwaling negosyante sa mga resibo na kadalasan ay napepeke umano ng mga ito na nagreresulta ng pagbaba ng kita ng gobyerno sa pagbubuwis.
Pinayuhan ni BIR Chief Kim Henares ang mga negosyante na may 2,000 accredited printers ang ahensiya nationwide para puntahan nila para sa pagpapagawa ng bagong resibo.
Unang itinakda ng BIR na magamit ang lumang resibo sa June 30 pero dahil sa kakulangan ng sapat napanahon ng mga negosyante na mapaghandaan ito ay minabuting itakda na lamang ang deadline sa August 30 ng taong ito kaugnay ng ipinatutupad na Revenue Regulations no.18-2012.