Mahalaga ang paglalaro ng mga bata -DepEd

MANILA, Philippines - Inihayag ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na mahalaga ang paglalaro ng mga bata upang magkaroon ng malusog na pangangatawan at pagkakaroon ng kanilang total development.

Ayon sa DepEd, marami ang natututunan ng mga batang nasa edad na 10-pababa, tulad ng pagkakaroon ng lakas ng loob, concentration, ba­lance, strategy, coordination at creativity.

Sinabi ni Education Assistant Sec. Tonisito Umali, sa kanyang pagtanggap ng mga laruan kamakailan na donasyon ng Play Pilipinas, Johnson & Johnson at Ogilvy sa Barangay Montalban, Rizal, hindi dapat sinasaway ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak sa paglalaro.

Aniya, may mga magulang kasi na inaalisan nila ng karapatan ang mga bata na maglaro sa halip ay pinupuwersa upang magtrabaho sa mga gawaing bahay o kaya’y tumulong sa paghahanap buhay.

 â€œâ€˜Di Lang laro ang laro’, we are not only giving our children the opportunity to play, but also infor­ming parents about the many benefits of play.  “We believe that children, apart from being encouraged to be physically active, also learn values and skills through play,” pahayag pa ni Umali.

Sa panig naman ni Sigfrid Perez, executive director ng Play Pilipinas at Kris Llanes, brand manager ng Johnson & Johnson, hindi lamang physical ang gumagana sa bata kapag naglalaro, kundi maging ang kanyang brain power.

Show comments