Ulan sa Luzon, MM at Visayas dulot ng habagat

MANILA, Philippines - Dulot ng habagat ang nararanasang  malakas na pag-uulan ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan sa Luzon gayundin sa Visayas.

Ayon kay  Aldczar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, bunga ng habagat ay patuloy na makakaranas ng pag-uulan ang naturang mga lugar.

Asahan naman anya ang magandang panahon sa Mindanao bagamat may mga kaulapan at paminsan minsang pag-ulan doon sa bandang hapon o gabi.

Sinabi din ni Aurelio na may binabantayan silang  kaulapan sa may  West Philippine Sea na maaaring maging Low Pressure Area (LPA).

Banayad naman ang mga karagatan sa bansa.

Show comments