US missile ship dadaong sa Subic
MANILA, Philippines - Kasabay ng paggunita ng ika-115 taong Araw ng Kasarinlan sa bansa, isang guided-missile cruiser USS Chosin (CG 65) ng Estados Unidos ang daraong sa Subic Bay ngayong araw.
Ito’y sa gitna na rin ng umiinit na tensyon sa agawan ng teritoryo sa pagitan ng Pilipinas at China sa Spratly Islands sa Palawan at Scarborough Shoal sa Zambales.
Sa press statement ng US Embassy sa Defense Press Corps, ang USS Chosin ay magsasagawa ng pagre-refuel at pagkakarga ng mga supplies para sa mga crew nito.
“The visit will highlight the strong historic community and military relations between the Philippines and the United States,†anang US Embassy sa advisory nito.
Ang 567 talampakang missile cruiser ay may bilis na 30 knots at aabot sa 375 ang sailors at officers nito.
Ang Ticondergoga-Class Cruiser ang kauna-unahang warship ng US Navy na ipinangalan sa US First Marine Division na nakipaglaban sa Chinese communist troops sa giyera sa Chosin sa kabundukan ng North Korea noong 1950.
Samantala paparaÂting na rin sa bansa ang ikalawang barkong pandigma na BRP Ramon Alcaraz (PF 16) na nagsimula ng maglayag galing sa Charleston, South Carolina sa Estados Unidos.
Ang nasabing warship ay umalis sa South Carolina noong Lunes dakong ala-10 ng umaga (oras sa US).
Ang barko na nabili ng 2nd hand ng Pilipinas ay nagkakahalaga ng $15.5 M o katumbas na P620 milyon na magagamit ng Philippine Navy sa pagpapalakas pa ng maritime patrol at territorial defense.
Inaasahang darating ang barko sa bansa matapos ang mahigit isang buwang paglalayag.
Ang unang warship ng Pilipinas na BRP Gregorio del Pilar ay nabili rin bilang 2nd hand sa Amerika noong 2011. Ang barko na 48 taon na ay isang Hamilton class cutter na ginastusan ng P450 milyon sa pagsasaayos at pagkukumpuni nito.
- Latest