PAGASA modernization sinertipikahang urgent bill

MANILA, Philippines - Sinertipikahan ni Pangulong Aquino na urgent bill ang panukala para sa PAGASA modernization.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang sertipikasyon ng panukalang batas na ito ay naipadala na sa Senado. Nilagdaan ng Pangulo na certified as urgent ang nasabing panukalang batas nitong June 5.

Noong nakaraang taon pa naipasa ng Kamara sa 3rd and final reading ang naturang panukala at nasa Senado na ito.

Aniya, mahalaga ang modernisasyong ito na makakatulong sa PAGASA na magampanan ang kanilang trabaho tulad ng pagtatayo ng mga Doppler radars na katuwang nila sa pag-predict sa lagay ng panahon lalo’t tayo ay nasa typhoon belt.

Show comments