MANILA, Philippines - Gas explosion na posibleng sanhi ng Liquified Petroleum Gas (LPG) at hindi bomba ang naganap na pagsabog sa Two Serendra condominium sa Fort Bonifacio Global City, Taguig nitong Mayo 31 na kumitil ng tatlo katao habang lima pa ang nasugatan.
Ito ang inihayag kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas base sa resulta ng imbestigasyon ng Inter-Agency Task Force sa pagsabog ng unit 501-B ng naturang condominium.
“In view of all the ongoing investigation, the blast was consistent with a gas explosion most likely LPG,†pahayag ni Roxas sa press briefing sa Camp Crame kahapon.
Sinabi ni Roxas na nabigo ang 5 teams na nagsasagawa ng imbestigasyon na makakuha ng anumang bomb residue bilang ebidensya sa pinangyarihan ng pagsabog at maging ang mga K9 Units ay wala ring nakitang bomba ang sanhi ng insidente.
Samantala wala rin silang nakitang kakaiba sa ikinikilos ni Angelito San Juan, ang nagrenta sa condo unit mula Mayo 31 hanggang Hunyo 9 kaya hindi na ito ikinokonsiÂderang ‘person of interestâ€. Si San Juan ay kabilang sa mga nasugatan sa pagsabog na patuloy na nilalapatan ng lunas sa intensive care unit ng St. Luke’s Medical Center sa Global City.
Idinagdag pa nito na si San Juan na 40 taong naninirahan na sa Estados Unidos na kararating lamang noong umaga ng Mayo 31 at nagrenta sa nasabing condominium ay wala umanong rekord na kriminal.
Nilinaw naman ni RoÂxas na bagaman natukoy na gas ang sanhi ng pagsabog ay magpapatuloy ang imbestigasyon kung saan nagmula ang pagsabog.
Nabatid na ang Ayala Land Inc. ay gumagamit ng pipeline gas system na nagsu-supply sa buong Serendra.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Roxas na hindi pa direktang masasabi ang pananagutan ng Ayala Land habang patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.
Ayon naman kay Dr. Carlos Primo David, kabilang sa investigating team ng University of the Philippines at Department of Science and TechnoÂlogy, anim na bagay ang nagbibigay ng indikasyon na gas explosion ang pangyayari sa Serendra condo.
“Gas explosion indicates a minimal post explosion residue, no blast cratering, instantenously dissipated flames, minimal charring, powerful and widespread pressure wave and almost instantenous explosion,†paliwanag ni Dr. David sa mediamen.
Magugunita na sa pagsabog ng naturang unit sa Two Serendra ay tumalsik ang dingding na pader nito na bumagsak sa dumaraang closed delivery van ng Abenson sa Mckinley Parkway Road na ikinasawi ng driver na si Salimar Natividad at mga helper nitong sina Jeffrey Umali at Marlon Bandiola.
Samantala, dumating kahapon sa NAIA 2 mula Amerika si Mariane Cayton 40, may-ari ng sumabog na unit 501.
Isang hand carried luggage lamang ang bitbit ni Cayton ng dumating sa paliparan at hindi nagpaunlak ng interview sa media tungkol sa nangyari sa kanyang unit.