Bawas sentensiya sa mabait na preso

MANILA, Philippines - Babawasan ng sentensiya ang mga preso na nagpapakabait sa kulungan ito’y makaraang isabatas na ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10592 na mag-aamiyenda sa ilang Artikulo sa Revised Penal Code.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakasaad sa Article 29 ng Revised Penal Code na ang mga local jail ay maari ng magbawas ng sentensiya sa isang bilanggo dahil sa “good behavior”.

Sa unang dalawang taon na pagkakakulong, ang isang bilanggo ay babawasan ng 20 araw sa bawat buwan kung magpapakita siya ng mabuting ugali habang nakakulong.

Sa ikatlo hanggang sa ika-limang taon, babawasan ng 23 araw ang bawat buwan na dapat siyang makulong kung magpapakita pa rin siya ng “good behavior”.

Samantalang sa mga susunod na taon hanggang sa ika-10 taon ang bilanggo ay bibigyan ng deduction na 25 days sa bawat buwan.

“And in the 11th and successive years of his impri­sonment, he shall be allowed a deduction of 30 days for each month of good beha­vior during detention; and at any time during the period of imprisonment, he shall be allowed another deduction of 15 days, in addition to numbers one to four for each month of study, teaching or mentoring service time rendered,” ani Valte.

Nakasaad din sa pinirmahang batas na ang apela ng isang bilanggo ay hindi magiging hadlang upang hindi siya mabigyan ng pagkakataon para magkaroon ng allo­wance dahil sa good conduct.

 

Show comments