^

Bansa

3,500 gun ban violators kasuhan lahat! – PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Alan Purisima na kasuhan lahat ang 3,500 gun ban violators na nahuli sa panahon ng election period.

Sinabi ni Purisima na walang dapat makalusot sa mga lumabag sa gun ban maging mga law enforcers man na kinabibilangan ng mga naarestong pulis at mga sibilyan.

Inatasan din ni Purisima ang lahat ng mga himpilan ng pulisya sa bansa na masusing imonitor ang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa mga lumabag sa Comelec gun ban na nag-umpisa noon pang Enero 13 at tatagal hanggang Hunyo 12, 2013.

“All arrests made during the election period, at the very least, must result in successful prosecution leading to the conviction of the offender, otherwise, all our efforts shall have been irrelevant,” ani Purisima matapos magsagawa ng command conference sa Camp Crame sa lahat ng mga opisyal ng PNP.

Kaugnay nito, magpapatuloy naman ang crackdown ng PNP laban sa mga loose firearms o mga baril na walang lisensya, mga wanted sa batas, elementong kriminal at maging ang mga Private Armed Groups.

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR ALAN PURISIMA

COMELEC

ENERO

HUNYO

INATASAN

IPINAG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRIVATE ARMED GROUPS

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with