MANILA, Philippines - Nakatakdang bumuo ng mga panuntunan sa implementasyon ng “Anti-Drunk and Drugged Driving Act†ang mga kinatawan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation and Communications (DOTC) at Department of Health (DOH).
Ito’y makaraang pirmahan ni Pangulong Aquino ang naturang batas na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga driver na nagmamaneho ng nasa impluwensya ng alcohol o iligal na droga at upang mabawasan ang nagaganap na aksidente sa kalsada.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kasama sa pagkakasunduan ang antas ng alcohol sa katawan ng isang driver upang mabatid na lumalabag na ito sa batas. Inihalimbawa nito ang pag-aaral ng International Center for Alcohol Policy noong 2002 sa Washington D.C. sa Estados Unidos na nagsasaad na nasa pagitan ng 0.05-0.08 ang dapat maitala sa “breath analyzer†upang matukoy na lasing ang isang tao.
Ang naturang batayan ang kinopya at ginagamit ng MMDA sa panghuhuli sa mga tsuper na nagmamaneho ng nakainom ng alak. Katumbas umano ng pag-inom ng tatlong bote ng “light beer†ang 0.06 sa breath analyzer.
Nilinaw ni Tolentino na hindi naman basta-basta lang sila manghuhuli ng motorista at agad-agad itong isasailalim sa breath analyzer. Kailangang kahina-hinala umano muna ang ginagawang pagmamaneho ng isang indibidwal gaya na lang ng swerving, kakaiba ang kilos at iba pa saka paparahin at isasailalim sa “sobriety test†na lalamanin din ng “implementing rules and regulations (IRR)â€.
Kapag hindi pumasa sa sobriety test, doon pa lang sasailalim sa breath analyzer ang driver at kung nasangkot ito sa aksidente. Kapag tumanggi ang isang driver na magpasailalim sa sobriety tests, otomatikong kukumpiskahin ang kaniyang driver’s license.