Magka-live-in niratrat

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Napatay ang 54-anyos na trader habang malubha naman ang kanyang ka-live-in matapos ratratin ng mga armadong lalaki na lulan ng motorsiklo sa bahagi ng Brgy. Carrabbatan Bacareno, Cauayan City, Isabela kamakalawa.Kinilala ni P/Supt. Narciso Paragas, Isabela PNP director ang napaslang na si Edwin Cabanos habang malubha naman ang asawang si Elsa Molina, 40, kapwa nakatira sa bayan ng Reina Marcedes, Isabela. Lumalabas sa imbestigasyon na patungo sa na­sabing lungsod ang mga biktimang lulan ng traysikel upang kunin ang dalawang baboy na kanilang bibilhin sa Brgy. Maligaya nang pagbaba­rilin ng motorcycle-riding gunmen. Pinaniniwalaan ng pulisya na gun-for-hire ang nagsagawa ng pamamaslang.

Show comments